Tagalog

Mayor Gregor RobertsonNoong Nobyembre 2008, pinili ng mga mamayan ng Vancouver si Gregor Robertson bilang kanilang bagong Punong-bayan. Siya ay ibinoto dahil sa plataporma niyang tapusin ang kawalan ng tahanan sa Lungsod ng Vancouver pagsapit ng 2015, at gawing pinaka-luntiang siyudad ang Vancouver sa buong mundo.

Sa ilalim ng pamahalaan ng Punong-bayan na si Robertson, ang Vancouver ay gumawa ng mabilis na aksyon para maging mas ‘sustainable’ sa pamamagitan ng pagdo-doble ng badyet ng Lungsod para sa imprastraktura para sa bisikleta, pagtatayo ng pinakamataas na pamantayan para sa mga bagong gusali sa North America, at pag-aproba sa ‘laneway housing’. Simula nang mahalal, ang Konseho ng Vancouver ay nagpalawig din ng popular na ‘car-free days’ sa buong lungsod, dinoble ang bilang ng lisensiya ng pedicab, gumawa ng mas maraming halamanang pang-komunidad.

Sa unang araw niya sa pamahalaan, si Punong-bayan Robertson ay mabilis na umaksyon laban sa kawalang-tahanan at binuo ang Mayor’s Homeless Emergency Action Team (HEAT). Ang HEAT ay madaling nagbukas ng limang ‘low-barrier’ na silungan at ang mga ito ay madaling napuno sa kapasidad, nagbigay sa halos 500 katao ng ligtas, siguradong lugar na matutulugan sa gabi. Ang punong-bayan ay nakakuha ng mahigit pa sa $170 milyon na bagong pondo mula sa panglalawigang gobyerno para sa panglipunang-pabahay sa buong Lungsod.

Outstanding Filipinos Awards_01Outstanding Filipinos Awards_02

Outstanding Filipinos Awards_03~Mayor Robertson attends the Outstanding Filipinos Awards, which were presented by Dahong Pilipino, Feb 18 2011

Disidido si Mayor Robertson na magtayo ng mas masagana at maunlad na kinabukasan para sa Vancouver. Bago pa siya pumasok sa pulitika, si Gregor ay kasama sa nagtatag ng Happy Planet, ito ay lumago bilang isang mabuting at responsableng sa mga taong kompanya na naka-base sa Vancouver hanggang sa 50 empleyado sa loob ng 10 taon. Ang Happy Planet ay gumagawa ng mga natural na katas ng prutas, nagtataguyod ng kalusugan at nutrisyon, at dahil sa kaniyang mga nagawa bilang isang matagumpay na negosyante at lider ng komunidad, si Gregor ay binansagan bilang isa sa Canada’s “Top 40 under 40” ng The Globe and Mail noong 2004.

Noong 2005, si Gregor ay inihalal sa panlalawigang kongreso bilang Member of the Legislative Assembly (MLA) para sa Vancouver-Fairview at nagsilbi bilang Opposition Critic for Advanced Education at Critic for Small Business and Revenue. Bilang isang MLA, si Gregor ay nanguna sa isang matagumpay na kampanya para maprotektahan ang abot-kayang paupa sa pabahay, nakipaglaban para sa mga regulasyon sa carcinogens at mga lason sa buong BC, at ipinaglaban ang mga negosyanteng naapektuhan sa pagpapatayo ng Canada Line.

Si Gregor at ang kanyang asawang si Amy ay may apat na anak – Terra, Satchel, Jinagh at Johanna – at naninirahan sila sa may lugar ng Douglas Park. Siya ay isang siklista, dedikadong tagahanga ng Canucks at mahilig maglaro ng soccer.

Palaro sa 2010

Ang 2010 Olympic at Paralympic Winter Games ay magaganap sa Vancouver! Ang 2010 Winter Games ay magiging kakaibang karanasan para sa Vancouver, dahil magiging punong-abala tayo sa mga pangunahing atleta mula sa buong mundo. Sa mahigit na 5,000 manlalaro at opisyales, 10,000 miyembro ng media, 14,000 boluntaryo at 2.3 milyong dadalo, nakatuon ang paningin ng buong mundo sa Vancouver habang ginaganap sa ating lunsod ang pinakamalaking paligsahan.

Mula sa Enero hanggang Marso, ang Vancouver ay magiging puno na kasiyahan, bawat araw ay may mga programa para sa lahat ng edad.

Ito ay magsisimula sa 2010 Olympic Torch Relay, na kasalukuyang tumatakbo sa buong Canada at darating sa Vancouver sa ika-11 ng Pebrero, 2010 sa gabi bago sa Opening Ceremonies.

Sa ating downtown LiveCity sites, magkakaroon tayo ng mga palabas gabi-gabi na nagtatampok ng mga libreng pagtatanghal mula sa mga artistang taga-Canada at mula sa buong mundo, at may mga malalaking tabing para makita ang lahat ng kaganapan sa Olympics.

Vancouver House na matatagpuan sa LiveCity Yaletown, ay magpapakita ng pinakamahusay na mga negosyong lokal at mga walang-kitang organisasyon sa Vancouver at kung ano’ng maihahandog ng mga ito, lahat mula sa mga bagong kasangkapan, luntiang teknolohiya, at sa mga malikhaing sektor.

Itatakda namin ang mga sikat na kalye sa downtown bilang daanan para sa mga taong naglalakad. Ang Olympic Line, isang modernong trambya na magse-serbisyo bilang demonstrasyon, ay tatakbo mula Granville Island hanggang sa Olympic Village. Magkakaroon ng mga tabing sa buong lungsod sa bawat ‘community centers’ upang mapanood ang mga pangyayari sa Palaro. At pinalawig ang ‘patio hours’ sa mga restawran sa buong Vancouver para malibang kayo sa pagkain at ang kasiglahan sa Vancouver pagkatapos ng mga pangyayari sa Olympic at Paralympic.

Ang 2010 Winter Games ay magiging isang pinakamalaking pagdiriwang na makikita sa Vancouver, at inaasahan namin na maidadaos namin ito na kasama kayo!

Kawalan ng Tahanan

Ang kawalan ng tahanan ang isa sa pinakamalaking hamon na hinaharap natin sa Vancouver. Napakaraming tao ang natutulog sa mga kalye – humigit-kumulang sa 1,600 katao ang walang bahay, natutulog sa mga parke, sa mga pintuan, at sa mga iskinita. Ito ay kahihiyan para sa lungsod na makatao, mayaman, at malikhain. Napakaraming tao ang napipilitang mabuhay sa nakaririmarim na kundisyon.

Hindi madaling lutasin ang hamong ito. Karamihan sa mga taong walang tahanan ay mayroon ding sakit sa pag-iisip o mga problema sa pagkagumon at mga nakaranas ng pang-aabusong pisikal o emosyonal sa kanilang buhay. Ang kawalang-tahanan ay nakakababagabag sa pamayanan ng ating lungsod.

Sa City Hall, kami ay nagtakda ng layunin na tapusin ang kawalang tahanan sa Vancouver sa 2015. Lahat ay makikinabang kapag ang isang taong dating nakatira sa kalye ay mabibigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng isang ligtas, siguradong lugar na matitirahan.

Sa mga susunod na taon, libu-libong yunit ng pabahay ang nakatakdang itayo. Sa pakikipag-ugnayan sa panglalawigang gobyerno, may kasunduan kaming magtayo ng 14 na bagong gusali para sa panlipunang pabahay, na palalaganapin sa buong Vancouver. Kami ay nagdi-disenyo ng isang bago, iba’t-ibang pasilidad para sa kapitbahayan sa Little Mountain, ang pinakamatandang lugar na may panglipunang-pabahay, at mabilis naming isinasagawa ito.

Sa spring ng 2010, sa pakikipagtulungan sa Mental Health Commission of Canada, mahigit sa isang daang katao na tumitira sa mga kalye ang makikinabang sa 24/7 sa mga serbisyong kalusugan at makakatira sa Bosman Hotel.

Maraming magagandang bagay na isinasagawa para malutas ang patuloy na problema ukol sa kawalang-tahanan sa Vancouver. Hindi ito magiging madali, ngunit ang City Hall ay gagawin ang lahat na makakayanan para matagumpay na tapusin ang kawalang-tahanan sa kalye ng Vancouver.

Green Capita

Ang Vancouver ay kilala bilang “green”. Palagiang kasama sa may ranggo na pinakamagandang lugar na tirahan na lungsod sa mundo, mayroon tayong kagubatan, dalampasigan, bundok at ang mga ito ay magkakalapit lamang. Ipinagmamalaki natin ang mga nagawa natin para mapangalagaan ang ating kalikasan – isa ito sa mga dahilan kung bakit ang Vancouver ay isang tanyag na lugar para mabuhay.

Subalit hindi tayo nasisiyahan sa kasalukuyang kalagayan. Sa buong mundo, hinaharap natin ang mga malaking hamon ng kalikasan. Kaya’t pinangungunahan natin ang pagiging halimbawa at ang pagsasagawa ng tamang hakbang para dito.
Noong Pebrero 2009, nilikha ang Greenest City Action Team, na binubuo ng ilan sa mga may pinakamagagaling na pag-iisip tungkol sa kalikasan sa mundo. Ang trabaho nila ay magbigay ng panandalian at pangmatagalang panukala para mapabuti ang kapaligiran sa Vancouver.
Mabilis naming isinasagawa ang kanilang payo – ang Vancouver ngayon ay may sampung-taong plano para maging ‘greenest’ na lungsod sa mundo. Mga gusaling matipid sa enerhiya. Malinis na hangin at tubig. Ligtas, madaling lakaran at pagbisekletahan. Makabuluhang pagbabawas ng ‘greenhouse gas’. Nais naming magtakda ng pamantayan ang Vancouver para gayahin ng ibang lungsod na may katulad na hangarin.
Ang pagiging ‘green’ ay hindi lamang mabuti para sa kapaligiran – ito ay mabuti rin para sa negosyo. Sa buong mundo, nakikita namin ang kita sa isang mabilis na pagpapalit sa isang mas mahusay at sustainable ekonomiya. Ang pagtustos na pinansyal sa buong mundo para sa malinis na enerhiya ay nalampasan ang ‘Fossil fuels’ noong 2008. Ang tantiya ng UN ay mayroon nang 2.3 milyong katao ang nagtatrabaho sa ‘renewable’ na sektor ng enerhiya sa buong mundo.

Ang mga pamahalaan sa iba’t-ibang dako ay naaakit na. ang Tsina ay namumuhunan ng $440 – 660 bilyon para sa malinis na enerhiya sa susunod na sampung taon. Ang isa sa mga panukala sa US lamang ay pamumuhanan ng $100 bilyon para sa malinis na enerhiya. Ang ‘green’ na ekonomiya ay nangangahulugan ng isang malaking oportunidad para sa Vancouver.

Sa ating lungsod, mabilis ang paglago ng grupo ng mga bagong sektor gaya ng mga malinis na teknolohiya, digital media, at mga industriyang magpapalaganap ng pagiging “green”. Sa kabila ng ‘global recession’, ang mga negosyong ito ay nanaig – ang puhunan at mga trabaho ay lumalago samantalang ang mga tradisyonal na industriya ay naaantala.

Ang pag-akit at ang paglago ng mga ganitong “green” na industriya ay lumilikha ng napakalaking pakinabang para sa ibang sektor ng ating lungsod at rehiyon. Kaya’t ginagamit natin ang oportunidad ng 2010 Winter Games bilang isang paraan para mapalagay ang Vancouver sa mapa. Sa ating bagong tatak ng negosyo ng Vancouver Green Capita, sinasamantala namin ang isang minsan-sa-buong-buhay na pagkakataon para mapaunlad ang ekonomiya ng Palaro para mapalakas at mapaunlad ang ating lokal na mga negosyo. Inilalahad namin ang mga pinakamagagaling, pinakamahuhusay at mga ‘green’ na mga negosyo at tina-target naming ang mga internasyonal na mga kumpanya para magtayo ng mga sangay nila dito sa Vancouver.

Sa pamamagitan ng ating hindi pangkaraniwang lakas – ang isang edukado, magkakaibang lahi, isang makapigil-hiningang kalikasan at ang tradisyon ng makabagong ideya at pagnenegosyo – maisesegurado natin ang mas magandang kinabukasan at makakayanan natin ang mga hamon na pang-kalikasan at ekonomiya na hinaharap natin sa ngayon.